“Kapag nawala na ako, sabi ng bahay sa gitna ng pagkukuwento, at nalulungkot ka, lagi mo lang iisipin, ang kalungkutan ay kaligahayang nagtatago lang. Lilitaw din sa tamang panahon.” HappinessSadness Book:Bahay ni Marta Source: Bahay ni Marta
“Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.” LoveFilipino Book:Para Kay B Source: Para Kay B
“Ba't ba naghahalikan ang mga utaw? Para magpalitan ng laway? Magdikit ang mga dila? Bakit hindi mga ilong na gaya sa ibang bansa, o kaya ay mga balikat? Bakit maski sa pisngi lang siya nahalikan ni Homer ay parang ang kaluluwa niya ang tinamaan ng nguso nito? At andito na rin lang tayo sa subject ng paghahalikan, me pagkakaiba ba kapag lalaki o babae o kapwa lalaki o kapwa babae ang mga ngusong nagdidikit? Paano ang mga walang nguso?” KissingLipsMusing Book:Si Amapola sa 65 na Kabanata Source: Si Amapola sa 65 na Kabanata
“Ang great love mo, hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay yung correct love.” LoveGreat LovePag IbigCorrect Love Book:Para Kay B Source: Para Kay B
“Dreams, they're what kill a man.” YaSpeculative Fiction Book:Kabilang sa mga Nawawala / Among the Disappeared Source: Kabilang sa mga Nawawala / Among the Disappeared
“Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.” LoveMemoryGreat LoveBroken LoveAlaala Book:Para Kay B Source: Para Kay B
“Kakabog ang dibdib mo, kikiligin ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, umiibig ka.” LoveKPag IbigPusoKabogKiligKirot Book:Para Kay B Source: Para Kay B
“Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan.” WritingManunulatPagsusulat Book:Para Kay B Source: Para Kay B
“Lahat ng bagay, maski mahirap, natatanggap. Pinoproseso lang.” SakitAmapolaRicky Lee Book:Si Amapola sa 65 na Kabanata Source: Si Amapola sa 65 na Kabanata
“Dreams are what kill a man” Dreams Book:Kabilang sa mga Nawawala / Among the Disappeared Source: Kabilang sa mga Nawawala / Among the Disappeared