“Ang karamihan nang tao ay walang pakialam, ang karamihan ng politiko ay walang utak, at yung ibang may utak... walang puso.” LifeInspirationalPoliticsIndifference Book:Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? Source: Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?
“Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong 'di mo kontrolado kung kelan siya bababa.” LoveInspirational Author:Bob Ong
“hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.” InspirationalTruthUnderstanding Book:Ang Paboritong Libro ni Hudas Source: Ang Paboritong Libro ni Hudas
“Akala ko noon pinakamalaking problema ko na ang naging problema ko sa eskuwela. Malayo pala sa katotohanan. Pero maaga akong tinuruan nito na maging matibay, at natuto agad akong pumili ng kakapitan. Napakahalaga noon dahil doon nakasalalay kung magpapadurog ka sa tadhana o magpapahulma nang matibay.” InspirationalLife LessonsReality Of Life Book:56 Source: 56
“Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang 'yan ng tao!” InspirationalThoughtsHardwork Book:Alamat ng Gubat Source: Alamat ng Gubat
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.” LifeInspirationalBob Ong Author:Bob Ong
“karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi” InspirationalLife LessonsTrialsMistakes Book:ABNKKBSNPLAKo?! Source: ABNKKBSNPLAKo?!
“Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon…” InspirationalPersonalBob Ong Book:Stainless Longganisa Source: Stainless Longganisa
“Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.” Inspirational Author:Bob Ong